crstr.p :
The thing is, nasa moment ako ng buhay ko na “will i able to give back?” Kaya ko ba? In the future, magiging maayos kaya yung career ko? Knowing that in this kind of economy, being a nursing student feels like my future is blurry for me. Low salary, pahirapan mag apply, ilang taon muna bago makaalis, atp napapaisip rin ako in the future makakaalis rin kaya ako sa bansang to para mag aim ng mas mataas na opportunity sa degree na mahahawakan ko? Mas narirealize ko, if bread winner ka talaga parang hindi practical yung kursong to para manatili lang sa pilipinas lalo na kung madami kang bubuhayin. Kaya everytime hawak hawak ko yung libo libong pang tuition ko galing sa dugo’t pawis ng magulang ko, lagi ako dumadating sa point na nalulungkot, natatakot, kinakabahan, nag aalala at nanghihina kasi hindi ko alam if masusuklian ko ba talaga yung magulang ko sa lahat ng sakripisyo nila? May patutunguhan ba akong maganda knowing na yung bansa natin, milyon ang nag aaral sa kursong ito pero yung ekonomiyang meron tayo, lahat ng healthcare workers at sistema rito ay hindi pinapahalagahan ng gobyerno.
2026-08-10 11:57:16